Kagawad binaril sa ulo habang nagmomotor
Sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng highway nang biglang sumulpot ang hindi na­kilalang suspek at walang kaabog-abog na barilin sa ulo at patay na nahulog sa kanyang motor.
STAR/ File
Kagawad binaril sa ulo habang nagmomotor
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Philippines  — Isang barangay kagawad ang nasawi nang ito ay barilin sa ulo habang nagmomotor sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy. Esperansa sa bayan ng Pilar, Sorsogon, kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay  kinilalang si Simeon Aringo Militante Jr., binata, incumbent kagawad at residente ng nasabing barangay. Hindi naman nakilala ang suspek na tumakas sa hindi malamang direksyon.

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng highway nang biglang sumulpot ang hindi na­kilalang suspek at walang kaabog-abog na barilin sa ulo at patay na nahulog sa kanyang motor.

KAGAWAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with