Estudyante inutas habang kumakain
Ang nasawi ay kinilalang si Aldrin Mendigoria Tangonan Jr., 3rd Education student, na residente ng Barangay Osias, Kabacan, Cotabato.
STAR/ File
Estudyante inutas habang kumakain
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines  —  Mlang-Hindi na umabot ng buhay ang isang 21-anyos na binata matapos na ito ay barilin habang kumakain ng isang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Magsaysay ­Avenue, Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Ang nasawi ay kinilalang si Aldrin Mendigoria Tangonan Jr., 3rd Education student, na residente ng Barangay Osias, Kabacan, Cotabato.

Sa report, alas-8:00 ng gabi habang kumakain ang biktima kasama ang isang kaibigan nang lapitan ng suspek na kinilalang si Jerson Dulana Papna, 42, obrero at residente ng Bialong, Mlang at agad na sinuntok ang biktima na bumulagta sa sahig at pagkatapos ay binaril sa noo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay ng suspek na pinaghahanap ng pulisya.

UTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with