Ex-kapitan dedo sa drug bust
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines — Napatay ng mga otoridad ang isang dating barangay chairman na umano’y mi­yembro ng local terror group na Dawlah Islamiyah sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa bayan ng Polomolok, South Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni PLtCol. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok Municipal Police Station ang suspek na si Disdado Cruz, 59, dating chairman ng Barangay Rubber.

Sa ulat,nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa Brgy.Magsaysay, Polomolok na kung saan ay nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksiyon at nang aa­restuhin ay pumalag ito at nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga pulis at dito ay napatay ang suspek na unang naaresto noong Marso 28, 2019 sa kasong illegal drugs at illegal possession of firearms na nakalaya matapos magpiyansa sa korte noong April 2, 2019.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with