Empleyado na bibili ng cake, binoga ng siga sa parking

CAVITE , Philippines  — Patay ang isang lalaki na kapo-promote lamang  sa kanya habang sugatan ang kanyang pinsan nang barilin ng umano’y siga  sa Rosario, Cavite.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Gregorio “Jeric” Bunio, 19 habang sugatan ang pinsan nitong si Junie Catapang.

Nabatid na bibili lang  ng cake si Bunio bilang pasasalamat sa kanyang supervisor matapos siyang ma-promote sa trabaho nang barilin ng suspek na si Edwin Lontoc, Jr., ng Kawit, Cavite  sa parking lot ng isang restaurant.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nasagi ng sasakyan ni Lontoc ang mga biktima na noo’y sakay ng motorsiklo.

Sa halip humingi ng dispensa ay pinagmumura pa ni Lontoc at  sinundan ng pamamaril gamit ang caliber 45.

Nabatid na kilalang siga at mahilig manutok ng baril si Lontoc, na kasalukuyan nang pinaghahanap ng otoridad.

Show comments