Lady judge niratrat ng tandem, aide malubha
Konting galos sa braso ang tinamo ng bik­tima na kinilalang si Jeaneth Gaminde San Joaquin, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 56 sa Libmanan­, may-asawa at residente ng San Juan St., Brgy. Tinago, Naga City.
STAR/ File
Lady judge niratrat ng tandem, aide malubha
Doris Franche, Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Masuwerteng hindi tinamaan ng bala at konting galos lang ang tinamo ng isang ba­baeng huwes habang ma­lubhang nasugatan­ ang kanyang aide mata­pos silang tambangan­ at pagbabarilin ng riding­- in-tandem habang bina­bagtas ang kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy. Puro Batia, Libmanan, Cama­rines Sur kamakalawa ng hapon.

Konting galos sa braso ang tinamo ng bik­tima na kinilalang si Jeaneth Gaminde San Joaquin, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 56 sa Libmanan­, may-asawa at residente ng San Juan St., Brgy. Tinago, Naga City.

Maselan naman ang kalagayan sa ospital ma­tapos tamaan ng bala sa itaas na bahagi ng katawan ang tauhan ni Judge San Joaquin na si Rocelle Martinez, 34-an­yos, residente ng bayan ng Buhi.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon, sakay ng pick-up truck na may plakang EAA-8731 si Judge San Joaquin at kanyang aide at bina­bagtas nila ang highway pauwi ng Naga City nang bigla silang pagbabarilin ng dalawang gunmen na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo. Hindi napuruhan ang huwes dahil siya ang nagmamaneho ng sasakyan at posibleng inakala ng mga suspek na siya ang nakaupo sa tabi ng driver na pinuntirya ng gunman.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon habang agad na rumes­ponde ang mga residente at pulis kaya na­isugod ang mga biktima sa ospital.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Isa sa anggulong ti­nu­tutukan ay ang may kaugnayan sa hina­ha­wa­kang kaso ng biktima na pinaniniwala­ang target ng mga sa­larin.

BARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with