4 kawani ng PhilHealth nagpositibo sa COVID-19
Ayon sa Provincial Health Office (PHO), unang­ nagkaroon ng ex­­­­posure ang isang 52-an­yos na kawani ng ahensiya sa nurse ng COVID ward ng isang Hospital sa lungsod na ito matapos magkadaupang palad sa isang religious fellowship sa Enrile, Cagayan.
STAR/ File
4 kawani ng PhilHealth nagpositibo sa COVID-19
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —  Apat na kawani ng PhilHealth sa lungsod na ito ang sunud-sunod na nagpositibo sa COVID-19 nitong nakaraang dalawang linggo at umano’y nakahawa pa ng iba.

Ayon sa Provincial Health Office (PHO),  unang­ nagkaroon ng ex­­­­posure ang isang 52-an­yos na kawani ng ahensiya sa nurse ng COVID ward ng isang Hospital sa lungsod na ito matapos magkadaupang palad sa isang religious fellowship sa Enrile, Cagayan.

Ang naturang kawani ay nakahawa ng kaopisina sa lungsod na ito na dahilan kung bakit nagkaroon ng lockdown and Panrehiyonal at lokal na tanggapan ang PhilHealth noong Oktubre 16.

Pangatlong nahawang kawani ay isang 50-an­yos na lalaki na naka­hawa rin sa kanyang anak na isang 13-anyos na dalagita na inuuwian nito sa bayan ng Gattaran.

Ayon sa PHO, ang huling nahawa sa nasa­bing tanggapan ay isang 42-anyos na mister na residente sa lungsod na ito na lumabas ang positibo nitong resulta sa virus kahapon.

PHO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with