COVID-19 cases sa Bulacan, bumaba ng 96%
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Bumaba sa 96 porsyento ang kaso ng coronovirus disease (COVID-19) dito sa lalawigan dahil sa masidhing kampanya kontra rito ng pamahalaang panlalawigan at pagpapalakas ng health services para labanan ang nasabing nakamamatay na virus.

Ayon kay Governor Daniel Fernando, patuloy ang pagtaas ng datos ng recoveries kumpara sa mga confirmed cases gayundin sa mga suspected cases kabilang na rin ang daily fresh cases na naitatala na siyang naging basehan ng datos.

Base sa reported cases mula sa Provincial Health Office (PHO), nasa 6,201 ang bilang ng mga nakarekober sa nasabing sakit at 1,234 ang active cases habang 162 ang nasawi.

Sa kasagsagan ng COVID pandemic ay umabot sa 200-350 ang kaso ng confirmed cases sa Bulacan araw-araw kumpara sa 10-15 kaso na lamang ngayon kada araw.

Sinabi ng gobernador na nakatulong nang malaki sa pagpababa ng kaso ng COVID sa lalawigan ang mga ipinatayong mga molecular and diagnostic centers at mga quarantine facilities.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with