‘Habal-habal’ nag-slide: Lola patay, 1 pa sugatan
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

SAN ANDRES, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang lola habang malubha namang nasugatan ang isa pang babae makaraang matumba at mag-slide ang kanilang sinasakyang motorsiklo na “habal-habal” sa San Andres- San Narciso Road na sakop ng Brgy. Pansol, dito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na si Olympia Linab, may asawa habang ginagamot sa Municipal Health Center dahil sa mga sugat sa katawan si Myrna Carabiena, 47, may asawa.

Ayon sa ulat, sakay ang mga biktima sa habal-habal na minamaneho ni Jerome Abayon, 21, binata ng Brgy. Manguero at binabagtas ang nasabing kalye patungo sa kabayanan nang maganap ang aksidente.

Tinangka umanong iiwas ni Abayon ang minamanehong habal-habal sa batong nakahambalang sa kalye subalit nawalan ito ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluyang matumba kasama ang mga biktima at nag-slide pa ng may 15 metro.

Nasa kustodya ngayon ng pulisya si Abayon at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.

OLYMPIA LINAB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with