Motorbike vs jeep: Rider dedo, 1 kritikal
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 23-an­yos na lalaki habang kritikal ang batang backrider nito matapos silang sumalpok sa isang jeepney sa Brgy. Kisante, bayan ng Makilala, dito noong Martes ng gabi.

Sa report ng Makilala Police Traffic Division, nakilala ang nasawi na si Jet Ocon Cordova habang ginagamot pa ang kanyang kasama na isang menor-de-edad, pawang taga-Purok 6A ng nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis, sumal­pok umano sa sinusundang pampasaherong jeep na minamaneho ni Alvin Lavella Brizuela na taga-Barangay New Cebu President Roxas ang motorsiklo na minamaneho ng biktima na patungo sana sa Barangay Malasila dakong alas-6:30 ng gabi.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon sa semen­tadong kalsada si Cordova maging ang backrider nito dahilan para isugod sa pagamutan pero kalauna’y idineklarang patay ng mga doktor ang una.

Nasa kustodya na ng Makilala Municipal Police ang drayber ng jeep habang patuloy pa ang imbes­tigasyon sa insidente.

JEEP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with