^

Probinsiya

15 parak pa positibo sa COVID-19 sa La Trinidad

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
15 parak pa positibo sa COVID-19 sa La Trinidad
Sinabi ni Major Cleff Vencio, hepe ng La Trinidad Police Station na sa naturang bilang ay 24 na miyembro lamang ng kanilang himpilan ang nahawa habang tumutupad ng tungkulin sa mga COVID-19 checkpoints. Ang 24 aniya ay pawang asymptomatic at sumasailalim sa quarantine sa lokal na health facility.
Michael Varcas, file

TUGUEGARAO CITY - Umabot na sa 29 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 sa La Trinidad, Benguet matapos dumagdag ang 15 na bagong kaso kahapon.

Sinabi ni Major Cleff Vencio, hepe ng La Trinidad Police Station na sa naturang bilang ay 24 na miyembro lamang ng kanilang himpilan ang nahawa habang tumutupad ng tungkulin sa mga COVID-19 checkpoints.  Ang 24 aniya ay pawang asymptomatic at sumasailalim sa quarantine sa lokal na health facility.

Ang lima pang pulis na nagpositibo umano ay pawang mga residente ng La Trinidad subalit nakatalaga sa ibang tanggapan ng PNP.

Sa ngayon, ang Benguet ay may kabuuang bilang na 55 police officers na may aktibong kaso ng COVID-19 nitong nagdaang limang araw habang sa bayan ng Tuba ay may 13 pulis na tinamaan ng virus, anim sa Itogon, lima sa Tublay at tig-isa sa Sablan at Atok. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with