Ginang ginahasa, kinatay habang naglalaba
Sa ulat ni Tulunan Police chief Major Jun Napat, nadatnan na lamang ng kanyang menor-de-edad na anak na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo ang biktima na itinago sa pangalang Nika, 33-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar. Siya ay dead-on-arrival sa ospital.
STAR/ File
Ginang ginahasa, kinatay habang naglalaba
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

TULUNAN, North Cotabato, Philippines  — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang ginang nang pagtatagain sa ulo at mukha matapos siyang gahasain ng hindi pa natutukoy na salarin habang naglalaba sa Purok 8, Poblacion, dito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Tulunan Police chief Major Jun Napat, nadatnan na lamang ng kanyang menor-de-edad na anak na wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo ang biktima na itinago sa pangalang Nika, 33-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar. Siya ay dead-on-arrival sa ospital.

Sinabi ng isa sa mga kaanak ng biktima na naiwang mag-isa lang sa kanilang bahay ang biktima nang isagawa ng suspek ang karumal-dumal na krimen habang naglalaba ang una dakong alas-2:00 ng hapon nitong Lunes. Nagkataon naman na wala ang asawa nito na nagsasaka sa ibang lugar nang mangyari ang krimen.

Lumalabas sa pagsisiyasat na hindi pa nakuntento ang suspek, matapos gahasain ay pinagtataga at sinaksak pa ang biktima ng mara­ming beses sa ulo at mukha dahil sa posibilidad na nanlaban ang huli.

Bagama’t may narinig umanong sigaw ang mga kapitbahay pero hindi nila ito pinansin dahil mahina ang kanilang pagkarinig.

Sa ngayon ayon kay Napat ay may “person of interest” na ang pulisya sa posibleng suspek sa krimen.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with