^

Probinsiya

Totoy natusta sa napabayaang kandila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

PANGASINAN , Philippines  — Nagpalabas ng manhunt operation ang Tayug Municipal Police laban sa isang vendor matapos nitong pugutan ng ulo ang matalik na kaibigan na bisita nito sa kanyang birthday party kamakalawa ng hapon sa Tayug, Pangasinan.

Sa ulat ng Tayug Police, nahiwalay ang ulo sa leeg ng biktimang si Mario Costales, 47, matapos na pagtatagain sa leeg ng jungle bolo ng suspek na si Joel Dela Cruz, 40, tubong Nueva Ecija na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Base sa pahayag ni P/Maj. Arnold Soriano, hepe ng Tayug Municipal Police Station, nangyari ang insidente dakong alas 3:30 ng hapon habang nagdiriwang ng birthday ang suspek. Nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang ilang bisita sa boarding house sa Brgy. Trenchera, nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo. Dito na kumuha ng jungle bolo ang suspek at pinagtataga ang biktima sa leeg.

Matapos ang insidente, agad tumakas ang suspek, dala ang jungle bolo na ginamit sa pagpatay sa matalik na kaibigan.

vuukle comment

TAYUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with