P19 milyong marijuana sinunog sa Cordillera
Personal na sinaksihan ni PNP chief P/Gen. Camilo Cascolan ang pagsunog sa P19-milyong halaga ng marijuana matapos ang kanyang pagbisita sa Police Regional Office-Cordillera.
STAR/Miguel de Guzman, file
P19 milyong marijuana sinunog sa Cordillera
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P19-milyong halaga ng marijuana na nadiskubre sa iba’t ibang bulubunduking plantasyon sa Cordillera ang sinunog kahapon,

Personal na sinaksihan ni PNP chief P/Gen. Camilo Cascolan ang pagsunog sa P19-milyong halaga ng marijuana matapos ang kanyang pagbisita sa Police Regional Office-Cordillera.

Sinabi ng PNP chief na pinasisiguro niya na sa pagbubunot ng marijuana plants ay kasama ang mga ugat nito para masiguro na hindi na uli ito tutubo pa.

Pinuna kasi ng mga lokal na mamamahayag na tila paulit-ulit na lang ang mga lugar kung saan nadidiskubre ang taniman ng marijuana.

Nagbigay pa ng direktiba ang opisyal sa mga local police commanders na balik-balikan ang mga naunang lugar kung saan sinira ang mga plantasyon para masiguro na hindi na muling magtatanim ng marijuana roon.

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad wasakin ang nakukumpiskang ebidensiya sa.anti-illegal drug operation ng awtoridad upang mawala ang duda na nare-recycle pa ito at muling naibebenta sa mga adik..

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with