26 barangay sa Rizal 8-oras mawawalan ng tubig
Ayon sa Manila Water company, ang temporary water service interruption ay makakaapekto sa may mahigit 210,000 katao o 42,289 kabahayan, commercial at business establishments sa 26 barangays sa Antipolo City, Teresa, Morong, Taytay, Angono at Binangonan mula Miyerkules, OKtubre 21, 2020 ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng Huwebes ng Oktubre 22, 2020.
STAR/Michael Varcas, file
26 barangay sa Rizal 8-oras mawawalan ng tubig
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makakaranas ng walong oras na walang tubig nasa 26 barangay sa lalawigan ng Rizal dahil sa gagawing maintenance activities sa Siruna Pum­ping Station sa Brgy. Mambugan, Antipolo City.

Ayon sa Manila Water company, ang temporary water service interruption ay makakaapekto sa may mahigit  210,000 katao o 42,289 kabahayan, commercial at business establishments sa 26 barangays sa Antipolo City, Teresa, Morong, Taytay, Angono at Binangonan mula Miyerkules, OKtubre 21, 2020 ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga ng Huwebes ng Oktubre 22, 2020.

Ang mga apektadong lugar sa Antipolo City ay ang mga barangay ng Bagong Nayon, Mambugan, Mayamot, Cupang (Pagrai area only), Dalig (maliban sa kahabaan ng along Road hanggang Teresa, Tapales, Gamboa), Dela Paz, Sta. Cruz, San Isidro (maliban sa Bermuda Heights, Buliran Road, kahabaan ng Circumferential Road), San Roque, San Luis (maliban sa Corville, Biong, Primavera), San Jose (maliban sa Marcos Highway), Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan, Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, San Roque at San Guillermo gayundin sa Binangonan, Angono at Taytay, bahagi ng Tayuman at Palangoy, Mahabang Parang at Dolores.

Oras na bumalik ang suplay ng tubig, pinapayuhan ng Manila Water ang mga kustomer na hayaan munang lumabas ang tubig ng ilang minuto bago ito gamitin.

TUBIG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with