Retired police na PWD binugbog, ninakawan ng 20 homeowners
Nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si retired P/Sgt. Noel Manga, 59, may asawa, isang person with disabi­lity (PWD) at residente ng Phase 3, Calmar Homes Subdivision ng nasabing barangay.
AbsolutVision via Unsplash
Retired police na PWD binugbog, ninakawan ng 20 homeowners
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Isang retiradong pulis na may kapansanan ang sugatan makaraang kuyugin, bugbugin at pagnakawan pa ng 20 katao na mi­yembro ng homeowners’ association sa Ibalong Street, Phase 5A Extension, Calmar Homes Subdivision, Brgy. Kanlurang Mayao, dito, kamakalawa ng hapon

Nagtamo ng mga pasa at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan si retired P/Sgt. Noel Manga, 59, may asawa, isang person with disabi­lity (PWD) at residente ng Phase 3, Calmar Homes Subdivision ng nasabing barangay.

Kinasuhan naman ng physical injuries at robbery ang pitong naaresto na sina Arnold Polvida, Apolonio Orejola, Reynaldo Aquino, Vicente Dehita jr., Efren Talisic, Gilbert Martinez at ang contractor na si Charles Batiller.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang 13 na iba pa kabilang ang tatlong nakilalang sina Danilo Carlos, Bryan Sardima at isang “Mr. Sales”, pawang kasapi umano ng Filipos Home Owners Association at Alpha Omega World Development Marshall Performing.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, alas-3:00 ng hapon ay tinungo ng biktima at ilang opisyal ng Calmar Home Owners Association ang nasabing lugar upang inspeksyunin ang bakod na umano’y sinira ng mga suspek.

Nagpakilala ang biktima sa mga suspek sa lugar, gayunman ay pinagtulung-tulungan nilang itali ang dalawang kamay nito saka pinagbubugbog at kinuha ang kanyang relo, kuwintas, cellphone, wallet na naglalaman ng $1,200 at  P88,000 cash. Wala namang nagawa ang mga kasama ng biktima sa takot matapos pagbantaan ng mga suspek kaya nagsipulasan sa lugar.

Sa mabilis na pag­responde ng SWAT team, naaresto ang pitong suspek subalit nakatakas ang 13 iba pa tangay ang mga kinulimbat mula sa biktima.

PWD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with