10 sugarol timbog sa raid
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA , Philippines — Arestado ang 10 katao kabilang ang isang menor-de-edad nang maaktuhang naglalaro nagsusugal sa isinagawang magkahiwalay na anti-gambling operations ng pulisya sa bayan ng Cuyapo at Aliaga, dito noong Linggo ng gabi.

Sinabi ni P/Colonel Marvin Joe Saro, officer-in-charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nagsagawa ng sorpresang inspeksyon ang pulis-Cuyapo at pulis-Aliaga sa sinasabing “hotspot” sa pasugalan.

Ayon sa Cuyapo Police, alas-6 ng gabi nang magsagawa sila ng raid sa isang bahay sa Barangay District II, at naaktuhang nagsusugal ng Pusoy ang mga suspek na sina Marlon Aglibot, 42, biyudo, isang fishball vendor; Angelito Audencial, 46, binata, construction worker; Reneboy Escobal, 37, may-asawa, construction worker; Jon-Jon dela Cruz, 22, may-asawa, construction worker; Alex Escobar, 32, may-asawa, tricycle driver; Jedlo Ramos, 21, binata, jobless; at isang 16-anyos na lalaking college student. Nakakum­piska sa kanila ang isang set ng baraha at bet money na aabot sa P345.00.

Samantala sa Aliaga, itinawag sa pulisya ng isang concerned citizen na may nagaganap na sugalan sa Barangay Umangan kaya agad na sinalakay bandang alas-9:30 ng gabi sanhi upang maaresto sina Raymond San Pedro, 31; Vilma San Pedro, 50, at Rosalie Garcia, 35, at masamsaman ng P355 bet money habang nakatakas ang limang iba pa.

RAID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with