Tserman utas sa taga ng kagawad
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos tagain sa ulo ng kanyang kagawad na kanya ring pinsan sa Barangay Ibis, Bagac, Bataan, iniulat kahapon.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Danny Boy Panganiban, chairman ng Brgy. Ibis, Bagac, Bataan. Nadakip naman sa manhunt operation si Kagawad Edwin Panganiban, 42-anyos na nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay P/Capt. Michelle Gaviola, hepe ng Bagac Police, nagkita ang nasabing tserman at kagawad malapit sa Brgy. Hall na kapwa galing sa inuman. Sinamantala umano ng kagawad habang nakatalikod ang pinsang tserman at tinaga nito sa ulo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na lumang alitan ng magpinsan ang motibo sa krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with