^

Probinsiya

3 brgy. sa Cagayan ‘di madaanan sa landslide

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 brgy. sa Cagayan �di madaanan sa landslide
Ayon kay Michael Conag ng Office of the Civil Defense (OCD)-Region 2, ang mga naapektuhan sa pagguho ay ang Barangay Dalin, Brgy. Dalla at Brgy. Asinga sa bayan ng Baggao kung saan isang bahay ang nasira.
Victor Martin

MANILA, Philippines  — Tatlong barangay sa lalawigan ng Cagayan ang hindi madaanan matapos ang mga pagguho ng lupa habang isang bahay ang nawasak bunsod ng walang humpay na pagbuhos ng ulan sanhi ng masungit na panahon.

Ayon kay Michael Conag  ng Office of the Civil Defense (OCD)-Region 2, ang mga naapektuhan sa pagguho ay ang Barangay Dalin, Brgy. Dalla at Brgy. Asinga sa bayan ng Baggao kung saan isang bahay ang nasira.

Nasa maayos na kalagayan naman ang dalawang residente ng Brgy. Asinga dahil agad nakapagsagawa ng pre-emptive evacuation ang mga opisyal ng Local Government Unit (LGU)-Baggao bago ang pagguho ng lupa.

Bunga nito, hindi pa rin madaanan ang ilang tulay kasama na ang Bagunot overflow bridge sa Baggao.

Samantala sa Isa­bela, naapektuhan din sa landslide at flashflood ang Cabagan-Santa Maria overflow bridge at Alicaocao bridge sa Isabela ma­ging ang Pinacanauan national Tuguegarao Road sa Tuguegarao City.

Kaugnay nito, pina­yuhan ang mga motorista na iwasan munang dumaan sa mga nabanggit na tulay at kalsada para makaiwas sa anumang insidente o disgrasya dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig at pagguho ng lupa sa ibang lugar.

vuukle comment

OCD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with