Mag-asawang senior pinasok, pinatay
Dead-on-the-spot ang mga biktima na kinilalang sina Exequil Naldoza, 65; at misis nitong si Feliciana, 62, kapwa ng Purok 1, Brgy. Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur.
STAR/ File

Mag-asawang senior pinasok, pinatay

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Patay ang mag-asawang senior citizen nang pasukin sa loob ng kanilang bahay at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamaka­lawa ng gabi sa Agusan del Sur.

Dead-on-the-spot ang mga biktima na kinilalang sina Exequil Naldoza, 65; at misis nitong si Feliciana, 62, kapwa ng Purok 1, Brgy. Bayugan 2, San Francisco, Agusan del Sur.

Sa ulat, alas- 6:00 ng gabi nitong Sabado habang nagpapahinga ang mag-asawang matanda nang biglang dumating ang mga armadong lalaki at walang habas silang pinagbabaril ng cal. 45 pistol.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.

AGUSAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with