^

Probinsiya

Police brutality sa Calamba pinaiimbestigahan ni Cascolan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Ge­neral Camilo Cascolan ang umano’y police bruta­lity ng mga miyembro ng Intelligence Section ng Calamba Police matapos nilang salakayin ang isang bahay at kaladkarin ang kanilang target.

Ito ay matapos makatanggap ng reklamo mula sa nagngangalang Milagros Alora na 10 pulis na nagpakilalang mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umaresto sa kanyang anak na si Victor Emmanuel dahil sa umano’y pagtutulak ng droga.

Nagbigay na ng kautusan si Cascolan sa regional director ng PRO-4A na siguraduhin na “available” ang lahat ng pulis ng Calamba para sa imbestigasyon.

Ayon kay Alora, binugbog ang kanyang anak, kinuha ang mga pera, cellphone at motorsiklo ng mga nagpakilalang taga-PDEA. Aniya, walang warrant of arrest o search warrant na ipinakita ang mga sumalakay.

Dahil dito, nag-verify si Alora sa regional office ng PDEA kung lehitimo ang operasyon at kung ang anak nito ay nasa surveillance ng grupo pero ayon sa ahensya ay wala umano silang operasyon sa Calamba.

Isa namang pulis na nagngangalang “Legado” ang nagkumpirma na nasa kustodya nila si Victor Emmanuel.

Ang sulat ni Alora kay Cascolan ay umikot sa social media.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with