Principal na maghahatid ng module, binaril ng NPA sniper
MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Surigao del Sur Police Provincial Office sa pamamaril sa isang school principal ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Tandag City, Surigao del Sur.
Nagpapagaling ngayon sa ospital si Eli Canonigo Apacible, principal ng Hitaob Elementary School sa Purok Hitaob, Barangay Awasian ng nasabing lungsod matapos ang tinamong tama ng baril sa ulo.
Sa ulat, maghahatid lang umano ang biktima ng mga module para sa mga estudyante nang barilin sa ulo ng sniper ng NPA. Masuwerte namang hindi napuruhan ang principal at naisugod agad sa ospital.
Mariing kinondena ng Surigao Del Sur PPO ang ginawang pamamaril ng umano’y rebeldeng NPA sa naturang principal.
- Latest