Killer ng station manager, sumapi na sa NPA
Ang impormasyon ay isinumite na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng spokesman nito na si Navy Captain Jonathan Zata sa Presidential Task Force on Media Security (PTFonMS) laban sa pinaghahanap na suspect na si Dante Encarnacion Tabusares alyas Bong na sumapi sa CPP-NPA upang takasan ang batas. Isang larawan habang hawak ni Tabusares ang bandila ng komunistang grupo ang napasakamay ng militar.
STAR/ File
Killer ng station manager, sumapi na sa NPA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nabulgar na sumapi na sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ang mastermind o utak sa pagpatay sa station manager ng Brigada News FM na nakabase sa Kidapawan City sa naganap na ambush–slay sa Makilala, North Cotabato noong Hulyo 2019.

Ang impormasyon ay isinumite na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng spokesman nito na si Navy Captain Jonathan Zata sa Presidential Task Force on Media Security (PTFonMS) laban sa pinaghahanap na suspect na si Dante Encarnacion Tabusares alyas Bong na sumapi sa CPP-NPA upang takasan ang batas. Isang larawan habang hawak ni Tabusares ang bandila ng komunistang grupo ang napasakamay ng militar.

Si Tabusares ang natukoy na sangkot sa pagpatay sa biktimang si Brigada News FM-Kidapawan station manager Eduardo Sanchez Dizon.

Kaugnay nito, inihayag ni PTFoMS Executive Director Usec. Joel Sy Egco na dahil sa impormasyon ng AFP ay nakumpirma ang kanilang hinala na si Tabusares ay sumapi sa NPA na nakabase sa Arakan, North Cotabato bago pa man lumabas ang warrant of arrest laban dito.

Ang biktimang si Dizon na dating konsehal ng Makilala, North Cotabato ay nagsisilbing blocktime host sa naturang istasyon. Sa kabila na tumatayo rin siyang local coordinator ng KAPA Community Ministry International, binibira nito ang KAPA sa kanyang komentaryo sa istasyon.

Magugunita na tinambangan at napatay ng riding-in-tandem si Dizon noong Hulyo 10,2019 habang lulan ng kaniyang behikulo pauwi sa kanilang tahanan.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with