2 lolong natigok sa Baguio, may COVID-19
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang lolo ang nasawi habang nakapagtala ng 40 bagong kaso ng COVID-19 ang Baguio City kamakalawa.
Ayon sa City Health Services Office (CHSO), ang nasawing 77-anyos ay tatlong araw na nakaratay sa ospital bago binawian ng buhay habang ang 80-anyos na lolo ay dead-on-arrival sa pagamutan.
Ang dalawang nasawing lolo ay kapwa may iniindang karamdaman at kapwa isinailalim ang kanilang mga bangkay sa pagsusuri na kalaunan ay nagpositibo sa virus.
Samantala, sinabi ng CHSO na sa 41 na bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod; 38 dito ay natunton sa isinagawang contact tracing.
- Latest