1 kilong marijuana nasabat
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY , Philippines  — Nasa isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng City Police Station 4 sa dalawang hinihinalang “tulak”  sa ikinasang buy-bust operation sa Villa Santol Brgy. Balibago,biyernes ng gabi.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales kinilala ang mga nadakip na sina Aries Gebson Lapore, 20-anyos, isang high value target ng pulisya at Rolando Alquiro,19.

Nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng mga suspek na sina Angelo Agullon at alias “Vlademir”.

Nasamsam sa dalawa ang apat na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa selyadong plastic na aabot sa halagang P120,000 at perang ginamit sa buy-bust.

Nakaditine na ang dalawang suspek sa nasabing istasyon ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Angeles City Prosecutor’s Office.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with