‘Drug dealer’ huli sa buy-bust
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Isang lalaking hinihinalang drug dealer ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Buluan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang suspek na si Jaher Guiapal, 40, residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng PDEA, dakong alas-4:00 ng hapon nang maaresto nila ang suspek sa isinagawang operasyon sa Brgy. Poblacion, Buluan matapos makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Kaagad na inaresto ang suspek matapos na bentahan ng may 20 gramo ng hinihina­lang shabu ang isang undercover agent ng PDEA.  Ang naturang kontrabando ay tinata­yang may street value na P136,000.

Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin mula sa suspek ang isang cellphone na ginamit nito sa transaksiyon.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with