Drug den sa Bacoor sinalakay: 11 arestado
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines  — Nasa 11 katao kabilang ang umano’y big-time na tulak ng ipinagbabawal na droga ang nadakma ng mga awtoridad sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay na ginawa umanong drug den kamakalawa ng gabi sa Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Ricardo Biscocho na target sa operas­yon;  Ronie Diaz, Noriel Demandante, Jimmy Batuloy,  Benbenedo Peleño, Mario Quinto, Carol Cordero,  MarkErvin Abrera, Allan Adora, Rogelio Peñaflor, Meynard Bolor,  Jerick Ortiz, Charriz Balgoma at  Rogelio Fox, pawang umano’y kliyente ng suspek sa droga at mga residente ng Brgy. Niog 3 ng nasabing lungsod.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos,  alas -7 ng gabi nang ilatag ang operasyon sa Sitio Ne­verland, Brgy. Niog 3,  Bacoor City kung saan si Biscocho ang target ng operasyon na kilalang big-time na tulak ng nasabing lugar.

Dahan-dahang nilusob ng mga pulis kasama ang PDEA ang bahay ni Biscocho at dito naabutan ang mag suspek na naglalagay ng shabu sa plastic sachet habang ang iba ay nasa bawat sulok ng bahay at nagsasagawa ng pot session.

Narekober sa mga suspek ang ‘di pa mabilang na timbang ng shabu, mga drug paraphernalia at drug mo­ney.

DRUG DEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with