3 mangingisda inabutan ng bagyo, missing
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  — Pinaghahanap ang tatlong mangingisda na naglakas loob pang pumalaot kahit masama na ang panahon sa gitna ng karagatan dahil sa bagyong “Ofel” sa Brgy. Buenavista, Viga, Catan­duanes noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang mga nawawalang mangingisda na sina Zaldy De Jesus, residente ng Brgy. Buenavista; Michael Tojon at Leo Delos Santos na pawang taga Brgy.Tambongon.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga lulan ng kulay pink na bangkang pangisda na “MB Cristina 50” ay pumalaot ang tatlo habang paparating naman ang bagyong “Ofel”.

Simula noon ay hindi na nakabalik at hindi na natagpuan ang tatlo habang maraming mga kapwa nila mangingisda at kamag-anak ang pumalaot para mag­hanap ngunit kahit ang bangka na kanilang sinakyan ay hindi makita sa malawak na laot.

Nanawagan na rin ang LGU-Viga at mga kaanak na tulungan sila sa paghahanap sa tatlo na baka napadpad lamang sa mga karatig-bayan at lalawigan.

BAGYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with