11 Abu Sayyaf sumurender
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dumanas ng panibagong dagok ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) makaraang sumuko sa tropa ng militar ang 11 nitong miyembro sa lalawigan ng Sulu noong Biyernes.

Sinabi ni Lt. Col. Rolando Mateo, spokesman ng Joint Task Force (JTF) Sulu,

ang mga nagsisukong Abu Sayyaf ay mula sa grupo ni Commander Mundi Sawadjaan at Radulan Sahiron. Sila ay tinukoy sa mga alyas na Alji, 24 anyos; Gaspar, 45; Amz, 45; Ardin, 32; Bebs, 25; Madz, 48; Uyong, 34; Bahad, 52 ; Nayin, 35; Allon, 45 at Asir, 42.

Ayon kay Mateo, bandang ala-1:30 ng hapon nang magsisuko ang ektremistang grupo kay Col. Antonio Bautista Jr., commander ng 1101st Infantry Brigade ng Philippine Army.

Isinurender din ng 11 bandido ang pitong malalakas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng M16 armalite at M1 garand rifles.

Sa inisyal na interogasyon, sinabi ng mga surrenderees na matinding military pressure, hirap, gutom at pagod ang nagtulak sa kanila para sumuko sa batas.

ASG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with