3 lola nasawi sa COVID-19 sa Region 12
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong lola ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa Region 12, ayon sa Dept of Health kamakalawa ng gabi.

Sa tala ng DOH, ang mga nasawi ay isang 84-taong gulang na taga-Kiamba, Sarangani; 71-anyos na taga-Cotabato City at 61-anyos na taga-General Santos City.

Dahil dito, mayroong nang 52 ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa virus habang may 44 namang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober kaya’t umaabot na sa 1,284 ang kabuuang gumaling sa at 1,901 na ang COVID confirmed cases sa rehiyon.

Sa naturang bilang ng mga nasawi, 27 ang mula sa South Cotabato, 10 sa Gen. Santos City, tig-3 sa Cotabato City at North Cotabato at isa sa Sarangani. Mayroon namang 21 na mga bagong COVID-19 patients ang nadagdag sa Soccsksargen Region.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with