Rocket ng PAF attack helicopter sumabog mula airport
Nagdulot ng isang mababaw na butas ang lugar kung saan bumagsak at sumabog ang rocket na nagkalat ang piraso nito (inset) matapos na aksidenteng napakawalan ng attack helicopter ng Philippine Air Force sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao mula sa landing zone ng Cotabato Airport kahapon.
PAF photo
Rocket ng PAF attack helicopter sumabog mula airport
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

Aksidenteng napakawalan sa landing zone

MAGUINDANAO , Philippines —  Nagdulot ng takot sa mga residente nang su­mabog ang isang rocket matapos na aksi­denteng mapakawalan ng MG520 Attack Helicopter ng Philippine Air Force (PAF) habang nasa landing zone ng paliparan sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni 6th Infantry Division Spokesperson, Lt. Col. Anhouvic Atillano.

Ayon kay Atillano, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng 6th-ID na dakong alas-8:15 ng umaga habang nasa landing zone ang MG520 attack heli­copter sa Cotabato Airport nang aksidenteng napakawalan ang isang rocket at sumabog ito hindi kalayuan sa firing range ng 6th Division Training School kung saan walang tao at malayo sa mga kabahayan kaya’t walang naiulat na namatay o nasugatan sa insidente.

Isa sa mga nasisilip na dahilan, ayon kay Atillano ay posibleng nag­karoon ng “technical problem” sa weapon sys­­tem ng naturang helicopter.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang PAF para matumbok ang da­hilan kung bakit aksidenteng napakawalan ang rocket ng naturang military helicopter na ginagamit sa air strike.

PAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with