Trader inutas ng nagpanggap na customer
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 14, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng isang salarin na nagkunwang bibili sa tindahan ng una sa Sitio Masayahin, Barangay Montecillo, dito kamakalawa ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay nakilalang si Liberato De Chavez, 50, may asawa habang tugis na ng pulisya ang nag-iisang suspek na inilarawan lamang ng mga saksi na nakasuot ng itim na jacket at pantalon.

Ayon sa pulisya, alas-7:35 ng umaga ay nakatayo sa labas ng kanyang tindahan ang biktima nang dumating ang suspek at nagkunwaring bibili. Nang makakuha ng pagkakataon ay binunot umano ng suspek buhat sa kanyang bewang ang isang maiksing baril saka pinaulanan ng punglo ang biktima saka mabilis na sumakay sa motorsiklo at tumakas.

Nadala pa ng kanyang mga kaanak sa ospital ang biktima subalit hindi na rin umabot pang buhay.

Anim na basyo ng ka­libre 45 ang narekober ng SOCO sa crime scene.

NEGATIBO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with