Sariaya mayor at misis tinamaan ng COVID-19
Inanunsyo ni Mayor Marcelo Ga­yeta sa kanyang social media account na tinamaan siya at misis nitong si Marivic ng virus kasabay ng kanyang panawagan sa mga kababayan na mas pag-ibayuhin pa ang pag-iingat laban sa pandemya lalo na ang mga senior citizens.
STAR/Walter Bollozos, file
Sariaya mayor at misis tinamaan ng COVID-19
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 virus ang mayor ng bayang ito at kanyang maybahay matapos lumabas ang resulta ng kanilang swab test kahapon.

Inanunsyo ni Mayor Marcelo Ga­yeta sa kanyang social media account na tinamaan siya at misis nitong si Marivic ng virus kasabay ng kanyang panawagan sa mga kababayan na mas pag-ibayuhin pa ang pag-iingat laban sa pandemya lalo na ang mga senior citizens.

Ayon kay Gayeta, idinaraan na lamang niya at kanyang maybahay sa pagtawa ang pagharap sa sakit bagama’t nakakaranas sila ng tila pagkalunod at kawalan ng panlasa at pang-amoy.

Aniya, nagnegatibo naman sa swab test ang mga malalapit sa kanilang mga kawani ng pamahalaang bayan.

Sa tala,  may 135 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Sariaya, 74 dito ay aktibo, 52 ang nakarekober at 9 na ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with