Ginang inambus, pinatay sa harap ng anak
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang misis matapos na tambangan, pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan habang pauwi kasama ang kanyang 12-anyos na anak at may dalang malaking halaga ng salapi sa Brgy. Bagong, Sha­riff Aguak, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Sagira Upam, kapatid ni Brgy. Bagong Chairman Tamano Upam at residente ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi habang pauwi si Sagira kasama ang kanyang anak nang harangin at biglang paulanan ng bala ng mga suspek dahilan ng kanyang agarang kamatayan. ‘Di naman sinaktan ng mga suspek ang bata subalit pilit na tinangay mula sa kanya ang hawak nitong bag na naglalaman ng mahigit P200,000 cash.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng da­lawang motorsiklo patungo sa ‘di tinukoy na direksyon.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with