3 sasakyan, bahay inararo ng trak: 1 patay, 6 sugatan
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Isa ang patay habang anim na katao pa ang sugatan matapos na araruin ng isang humahagibis na truck na nawalan ng preno ang tatlong sasakyan at isang bahay sa Maharlika Highway sa Brgy. Angeles ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang rider na si Edgar Barotilla, 36, may asawa ng Quezon City sanhi ng kanyang kamatayan habang nilalapatan ng lunas sa Dona Martha Hospital ang mga sugatan kabilang ang tsuper ng nakabanggang trak na kinilala lamang sa alyas “Dranreb” ng Sta. Rosa City, Laguna.

 Ayon sa ulat ng pulisya, patungo sa Bicol ang Isuzu Wing Van truck ni Dranreb nang mawalan ito ng preno dakong alas-9:15 ng umaga at inagaw ang kabilang linya ng kalsada at tiyempo namang parating ang Manila bound na motorsiklo ni Barotilla kaya nasalpok.

Pagkabangga sa motorsiklo, nagtuluy-tuloy pa sa pagtakbo ang trak at binangga ang isang motorsiklo ni Rufino Melitante ng Brgy. Balubad, Atimonan, Quezon at ang nakaparadang jeepney ni Rodante Umbao ng Gumaca, Quezon, sanhi ng kanilang pagkakasugat. Nadamay ding masalpok ng trak ang bahay ng OFW na si Russel Marquez na nasa gilid ng kal­ye gayundin ang naglalakad na karpinterong si Arturo Pinano na kapwa nasugatan sa insidente.

 Nahulog naman sa trak ang pahinanteng si Joseph Cirias ng Libmanan, Camarines Sur kung kayat dinala rin siya sa ospital.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with