3 suspek sa masaker ng 4 na babae, sumuko
Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Amer Mamalo alyas Ubak, 29- anyos; Nasser Noh Ali alias “Selna”, 30-anyos at Salahudin Nando Noh alias “Tatukan”, 21-anyos; pawang mga kasapi ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) at mga residente ng Brgy. Lagunde, Pikit, Cotabato. Sila ay nahaharap sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder.
STAR/File
3 suspek sa masaker ng 4 na babae, sumuko
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Dahil sa takot na madakip o mapatay ng militar, kusa nang sumuko sa mga awtoridad ang tatlong lalaki na nagmasaker sa apat na magkakanaak at ikinasugat ng apat na iba pa sa bayan ng Pikit, dito noong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Amer Mamalo alyas Ubak, 29- anyos; Nasser Noh Ali alias “Selna”, 30-anyos at Salahudin Nando Noh alias “Tatukan”, 21-anyos; pawang mga kasapi ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) at mga residente ng Brgy. Lagunde, Pikit, Cotabato. Sila ay nahaharap sa mga kasong multiple murder at multiple frustrated murder.

Matapos ang ginawang pakikipag-usap ni MILF-BIAF commander Monib Pandita kasama ang dating hepe ng Pikit Police na ngayon ay Barangay chairman sa lugar na si Sindato Karim at dating opisyal ng bayan na si Ex-Board Member Dulia Sultan, napapayag ang tatlo na sumuko.

Lumalabas na away-pamilya at paghihiganti ang mga motibo sa karumal-dumal na krimen matapos na mapatay ang apat na mga kamag-anak ng mga suspek, ayon sa ginawang interogasiyon sa tatlong sumuko ng otoridad.

Matatandaan na noong Biyernes ng hapon habang nagpapahinga sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Lagunde ang mga biktima nang pasukin ng mga suspek at walang habas na pinagbabaril gamit ang M16 armalite rifle. Agad na nasawi ang apat na babae kabilang ang isang 3-anyos habang apat pa nilang kaanak ang nasugatan na ngayon ay patuloy na ginagamot sa ospital.

MURDER SUSPECT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with