Architect dedo, 2 grabe sa road mishap
Kinilala ang nasawi na si Ramonito Octaviano, habang nilalapatan ng lunas ang kanyang manugang at apo na hindi pa tinukoy ang pagkaka­kilanlan.
STAR/File
Architect dedo, 2 grabe sa road mishap
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Isang architect na tumatayong pangulo ng Person with Disability Affair’s Office sa lungsod ng Koronadal ang nasawi habang malubhang nasugatan ang manugang at apo nito makaraang masangkot sila sa aksidente sa national highway sa Barangay Carpenter Hill ng nasabing lungsod kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Ramonito Octaviano, habang nilalapatan ng lunas ang kanyang manugang at apo na hindi pa tinukoy ang pagkaka­kilanlan.

Sa ulat ng Koronadal City Traffic Police, alas-2:30 ng hapon nang mawalan ng kontrol ang Ford Ranger pick-up (AOA-1373) na minamaneho ni Octaviano habang papunta sa bayan ng Tupi kaya’t nabangga ng delivery van (MWD 26) minamaneho ng isang Leo Gallanggal na patungo naman sa direksyon ng Koronadal mula sa General Santos City. Unang gumewang ang pick-up sa daan kaya’t iniwasan pa umano ng drayber ng delivery van ngunit nahagip pa rin ito dahil mabilis ang takbo ng pick-up.

Masuwerte naman at sa tuhod lamang ang sugat ng drayber ng delivery van pero minalas na malagutan naman ng hininga sa ospital si Octaviano habang nilalapatan ng lunas.

ARCHITECT ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with