5 âtulakâ nasakote sa P6.8 milyong shabu
Kinilala ang mga naaresto na sina Lenlem Ampaso alias “Basit”, 41-anyos; Johary Macarao, 24; Amroden Adel, 23; pawang mga taga-Lanao Del Sur; at sina Proxy Rauring at Abdul Sawaf Rauring na parehong nakatira sa Lapu-Lapu City.
STAR/KJ Rosales, file
5 ‘tulak’ nasakote sa P6.8 milyong shabu
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang limang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos masamsaman ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa ikinasang joint operation ng pulisya at PDEA sa Purok 3, Brgy. Poblacion, Kapatagan, Lanao Del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Lenlem Ampaso alias “Basit”, 41-anyos; Johary Macarao, 24; Amroden Adel, 23; pawang mga taga-Lanao Del Sur; at sina Proxy Rauring at Abdul Sawaf Rauring na parehong nakatira sa Lapu-Lapu City.

Isinagawa ang operasyon pasado alas-11:00 ng umaga ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Regional Office 10, PDEA-BARMM, Kapatagan Police, Police Regional 10-Intelligence Division at PNP- Special Operations Unit 6.

Isang ahente ang umaktong poseur buyer at nang magpositibo ang transaksyon ay dinakip ang mga suspek at nakuhanan ng may isang kilong shabu.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with