Cotabato massacre: 4 babae patay, 4 sugatan
Nadatnan ng mga awtoridad ang apat na babae na patay kabilang ang isang 3-anyos habang apat pa nilang kaanak ang sugatan matapos silang pasukin sa loob ng kanilang tahanan at pagbabarilin ng mga armadong suspek kahapon ng tanghali sa Brgy. Lagunde, Pikit, Cotabato.
Courtesy: Jess Ali
Cotabato massacre: 4 babae patay, 4 sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang apat na babae kabilang ang isang 3-anyos na bata habang apat pa nilang kamag-anak ang suga­tan matapos silang pasukin sa bahay at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa Sitio Tugunan, Brgy. Lagunde, Pikit, Co­tabato, kahapon ng tanghali.

Kinilala ng Pikit Police ang mga nasawi na sina Sittie Alipolo Abdullah, 58-anyos; Ze­naida Abdullah Mustapha, 36, may asawa at dating OFW; Laga Abdullah, 34, dalaga, walang trabaho at ang batang si Ashley Abdullah Panigas.

Inoobserbahan naman sa ospital ang mga sugatan na sina Asria Abdulrajak Abdullah, 30 anyos, may asawa, at tatlong menor-de-edad na itinago sa mga pa­nga­lang Ryan, 13-anyos; Raad, 7, at Asya, 8.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, habang nagpapahinga ang magkakamag-anak sa Sitio Tugunan nang biglang dumating ang apat na armadong lalaki at agad silang pina­ulanan ng bala pasado alas-12:00 ng tanghali saka nagsitakas.

Nagkaroon ng maraming tama ng bala ang apat sa walong mga biktima na siyang naging sanhi ng kanilang aga­rang kamatayan habang mabilis na dinala ang apat na sugatan sa Cruzado Medical Hospital. 

Narekober ng mga pulisya sa pinangya­ri­han ng krimen ang basyo ng bala ng M16 armalite rifle.

Patuloy ang ginaga­wang hot pursuit ope­ration ng 90th Infantry Battalion Alpha Company laban sa mga suspek habang blangko pa ang pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa naturang pamilya na idinamay pa pati mga bata.

MASSACRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with