2 ilog umapaw: 13 barangay sa Lucena lumubog
Kabilang sa mga pinalubog ng tubig-baha ay ang mga Barangay 1, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, na pawang nasa city proper at ang mga barangay na nasa tabi ng ilog ng Dumacaa at Iyam na Market View, Cotta, Ibabang Dupay at Ibabang Iyam.
STAR/File
2 ilog umapaw: 13 barangay sa Lucena lumubog
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Nasa 13 barangay sa lungsod na ito ang lumubog sa tubig-baha at tinatayang may 1,662 pamilya ang inilikas at nagsisiksikan ngayon sa iba’t ibang evacuation centers makaraang umapaw ang dalawang ilog bunsod ng walang puknat na pagbuhos ng ulan kahapon ng mada­ling araw.

Kabilang sa mga pinalubog ng tubig-baha ay ang mga Barangay 1, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, na pawang nasa city proper at ang mga barangay na nasa tabi ng ilog ng Dumacaa at Iyam na Market View, Cotta, Ibabang Dupay at Ibabang Iyam.

Ayon kay Gng. Janet Gendrano, chief executive officer ng Lucena Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO ), alas-2:00 ng madaling araw nang biglang tumaas ang tubig sa dalawang ilog at umapaw habang kasagsagan ng sunud-sunod at malalakas na buhos ng ulan.

Mabilis na pumasok ang tubig baha sa mga kabahayan gayunman ay maagap namang nagtu­ngo sa matataas na lugar ang mga residente partikular ang mga naninira­hang malapit sa Dumacaa at Iyam River, habang ang iba ay mabilis na pumunta sa mga barangay hall na ginawang evacuation centers.

Maagap namang nagbigay ng mga relief goods at mga panguna­hing pangangailangan ng mga evacuees ang City Government sa pamumuno ni Mayor Roderick Alcala.

BAHA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with