Oldest Catholic school sa Lucena nasunog
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, tinupok ng apoy kamakalawa ang bahagi ng college building na itinuturing na pinakamatandang Catholic school sa lungsod na nasunog na rin noong nakalipas na taon.

Ganap na alas-7:30 ng umaga nang makita ng isang security guard ng Sacred Heart College na nagliliyab na ang isang classroom ng college building.

Agad na nagresponde ang mga operatiba ng Bureau of Fire Protection (BFP) at kinordon ng Lucena Police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Romulo Albacea ang paligid ng paaralan sa Barangay 2.

Sa ulat, alas-10:45 ng tanghali na nang maapula ang sunog na inaalam pa ang pinagmulan at kung magkano ang napinsalang mga ari-arian.

Noong Enero 2019, unang nasunog ang lumang administration building ng nasabing paaralan na kinatatayuan din ng dormitoryo ng mga madre. Itinatag noong April 27, 1884 ng madreng si Hermana Fausta ang Sacred Heart College of Jesus.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with