Magdyowa na ‘pusher’ huli sa P.17 milyong shabu
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng magdyowa na hinihinalang kapwa tulak ng ipinagbabawal­ na droga matapos masamsaman ng higit P.1-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust ope­ration ng pulisya katuwang ang mga opis­yales ng Brgy. Pandan, noong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 3 Commander P/Major Jayson Constantino, kini­lala ang mga suspek na sina Rahima David alyas “Ruby”, 54, at Niko Urbano, 31, kapwa taga-Brgy. Pandan.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 25 gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000, isang kulay pulang Honda TMX 155 motorcycle (YY-6882) at marked money na ginamit sa buy-bust.

Ayon sa mga suspek, kung nakalusot ang kanilang transaksyon ay kikita umano sila ng nasa mahigit sa P10,000.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with