2 rider tepok sa salpok ng trak
Sa ulat, nasawi ang 21-anyos na si Sandy Margate Pelaez, binata habang patuloy na inoobserba­han ang batang angkas nito na hindi na pinangalanan.
STAR/ File
2 rider tepok sa salpok ng trak
Jorge Hallare, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider ang nasawi nang sumalpok sa kasalubong na trak sa magkahiwalay na aksidente sa lalawigan ng Camarines Sur at Davao de Oro.

Sa ulat, nasawi ang 21-anyos na si Sandy Margate Pelaez, binata habang patuloy na inoobserba­han ang batang angkas nito na hindi na pinangalanan.

matapos na bumangga ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na Isuzu Truck (NAA-8081) sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-1,Brgy.Bonifacio,San Fernando,Camarines Sur kamakalawa ng alas-9:10 ng gabi.

Sumuko naman ang driver ng nakabanggaang trak na si Antonio Hubilla Jr.,49,residente ng Brgy.Mabolo,Naga City.

Nasawi noon din ang 23-anyos na dalaga na si Donna Belle Caspillo, 23, residente ng New Panay, Tulunan, Cotabato makaraang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kasalungat na truck sa KM. 67 National Highway, Barangay Tuboran, Mawab, Davao de Oro, kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Sumuko ang driver ng truck na si Zaldy De La Cruz Policarpio, 41,may-asawa at residente ng Purok 7, Bangkas HTGS, Toril, Davao City.

RIDER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with