3 trike inararo ng truck: 1 dedo, 8 sugatan
Samantala, ang walong iba pang nasugatan ay pawang naisugod na sa pagamutan at kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas.
STAR/File

3 trike inararo ng truck: 1 dedo, 8 sugatan

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang walong iba pa ang sugatan nang araruhin ng isang truck na nawalan ng preno ang tatlong tricycle sa Antipolo City, Rizal kahapon ng hapon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng namatay na biktima.

Samantala, ang walong iba pang nasugatan ay pawang naisugod na sa pagamutan at kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas.

Batay sa paunang ulat ng Antipolo City Police, pasado alas-3:37 ng hapon sa Olalia Road, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City habang bumibiyahe sa lugar ang truck nang mawalan ito ng preno at araruhin ang tatlong tricycle na nasa lugar. Napailalim ang mga tricycle sa truck na nagresulta sa pagkasugat ng mga sakay ng mga ito pagkamatay ng isa pa sa kanila.

Nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar ang insidente.

TRICYCLE TRUCK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with