^

11 guro nagka-COVID-19 sa pamumudmod ng modules

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2020 - 12:00am

Ilagan City isinailalim sa MECQ

MANILA, Philippines — Sa kabila ng dinanas na panlalait mula sa isang gobernador na sila’y walang ginagawa sa gitna ng pandemya, 11 na guro ng pampublikong paaralan ang nagpositibo sa COVID-19 dahil sa paghahatid ng teaching modules sa kanilang mga mag-aaral sa mga liblib na kanayunan sa Ilagan City, Isabela noong Martes.

Dahil dito, agad ina­prubahan ng Regional Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Di­sease ang kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Ilagan na isailalim ang lungsod sa modified enhanced community qua­rantine (MECQ) mula kahapon, Oktubre 7 hanggang Oktubre 16.

Nabatid na ang mga guro na nagpositibo ay nakatalaga sa western district ng Ilagan City. Sampu sa kanila ay nakaranas ng pagkahilo at pananakit ng lalamunan at isinailalim sa quarantine facility ng lungsod.

Ayon sa Department of Health, isa sa mga nagpositibong guro ay dinala sa Cagayan Valley Medical Center dahil sa matinding pag-uubo at hirap sa paghinga. Isa ring 13-anyos na estud­yante na nakatanggap ng module ang nagpo­sitibo sa virus.

Sa kabila nito, sinabi ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III na walang dahilan upang suspindihin ang klase sa Ilagan City bunsod ng pangyayari dahil hindi face-to-face ang leksiyon. Aniya, pinatitingnan na niya ang sitwasyon upang ma­ipaabot ang tulong sa mga apektadong guro. Pinuri rin niya ang mga guro na aniya’y nagbu­buwis ng buhay upang ipatupad ang patuloy na edukasyon ng mga mag-aaral.

Matatandaang bina­tikos ng Council of Tea­chers and Staff of Colleges and Universities of the Philippines (COTESCUP) si Cagayan Gov. Manuel Mamba sa matapos ipahayag nito sa radyo na walang ginagawa at pawang nagpapasarap lamang ang mga guro sa gitna ng pandemya dahil sa wala namang face-to-face classes. Pero kalaunan ay binawi ang kanyang pahayag at humingi ng patawad sa mga guro.

COVID-19 GURO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with