Magsasaka itinali na parang baboy, plinastik saka pinatay
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 8, 2020 - 12:00am

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa isang magsasaka matapos na matagpuang nakabalot ng plastic ang kanyang ulo at mukha at tinaliang parang baboy ang mga kamay at paa saka itinapon sa gilid ng palayan sa Sitio Kalye Onse, Brgy. Sta. Catalina Norte ng bayang­ ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima ng salvaging na si Demetrio Arida, 48, may asawa ng Barangay Pa­hinga Sur., Candelaria.

Pinaniniwalaan ni P/Staff Sgt. Francis Benedict, officer on case, na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at sa nabanggit na lugar lamang itinapon ang bangkay upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Dakong alas-6:45 ng umaga nang mapansin ng isang tricycle driver na pumapasada ang biktima na nakahandusay sa gilid ng palayan.

MAGSASAKA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with