^

Probinsiya

Lupa gumuho: Obrero nalibing nang buhay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Isang obrero ang patay habang agaw-buhay sa pagamutan ang isang katrabaho matapos silang malibing nang buhay makaraang gumuho ang lupa sa construction site sa kasagsagang ng kanilang trabaho sa Ciudad de Strike, Brgy. Molino 1, Bacoor City.

Wala nang buhay nang maiahon sa malalim na hukay ang biktima na nakilalang si Alvin Carino, 31-anyos, habang inoobserbahan sa ospital ang kabarong si Daver Verdera, 21; kapwa residente ng Atimonan, Quezon Province.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Edison Fetalcurin, alas-5:30 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag na may naganap na pagguho sa isang construction Site. Agad silang rumesponde kasama ang Bacoor Disaster Risk and Reduction Management Office (BDRRMO) upang sagipin ang dalawang trabahador.

Nabatid na habang nasa malalim na hukay ang dalawang biktima at magkakabit na sana ng plywood para sa pagsesemento nang biglang gumuho umano ang lupa mula sa itaas. Dahil sa rami ng lupa na tumabon, tatlong oras pa ang nakalipas bago sila maiahon ng mga rescuer.

Agad itinakbo sa pagamutan ang dalawang obrero subalit hindi na umabot pang buhay ang isa.

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with