Sundalo dedo sa âhit and runâ
Ang biktima na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Corporal Arnel Pardilla, 41, may asawa, nakatalaga sa Guinyangan, Quezon at residente ng Brgy. San Roque, Catanauan.
STAR/File
Sundalo dedo sa ‘hit and run’
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

TIAONG, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang sundalo ng Philippine Army makaraang banggain at takbuhan ng hindi kilalang driver sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Lusacan ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Corporal Arnel Pardilla, 41, may asawa, nakatalaga sa Guinyangan, Quezon at residente ng Brgy. San Roque, Catanauan.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang Yamaha Vega 6150 at tinatahak ang nasabing kalye patungo sa direksyon ng Maynila nang banggain ng ‘di pa matukoy na sasakyan dakong alas-10:45 ng gabi.

Tumilapon mula sa kanyang motorsiklo at una ang ulo na bumagsak sa sementadong kalye ang biktima habang mabilis na tumakas ang nakabangga dito patungo sa direksyon ng Candelaria.

PATAY SUNDALO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with