_ngayon
^

Mediamen sa Nueva Ecija, sumabak sa tree planting sa Sierra Madre

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Kasabay ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang organisason, nagsagawa ng tree planting activity ang mga opisyal at miyembro ng Nueva Ecija Press Club, Inc. (NEPCI) sa paanan ng bundok ng Sierra Madre.

Ayon kay Agapito Linsangan, radio broadcaster ng provincial radio station na DwNE at pangulo ng NEPCI, kaysa mag-party pinili ng kanyang grupo na magtanim ng 380 seedlings ng punong kahoy at fruit-bearing trees sa paanan ng bundok Sierra Madre sa bahagi ng water shed ng Segum creek sa Barangay Bagting sa bayan ng Gabaldon, noong Miyerkules.

Pinangunahan ni Linsangan at mga miyembro ng kanilang media organization ang pagtanim ng mga seedlings ng Narra, Duhat, Marang at iba pang namumungang punongkahoy na ipinagkaloob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Gabaldon Mayor Jobby Emata na nakiisa sa tree planting at Brgy. Bagting Chairman Lacandoda.

“Walang hanggan ang pasasalamat natin sa NEPCI dahil imbes na magparty-party ay pinili nila ang isang noble cause na makatulong sa inang kalikasan. Kahit na nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic ay nagpadama sila ng pagmamahal sa bayan,” pahayag ni Mayor Emata.

Ang NEPCI ay isa sa pinakamatatandang organisasyon ng mga mamamahayag sa Pilipinas na madalas magsagawa ng tree planting at medical and dental missions tuwing sasapit ang anibersaryo ng pagkakatatag nito.

SIERRA MADRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with