^

58,000 sets ng PPEs ibiniyahe ng BRP Davao del Sur sa Visayas

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa 58,000 sets ng Personal Protective Equipment (PPE) ang inilulan sa BRP Davao del Sur, ang Tarlac–class landing dock ng Philippine Navy upang ihatid sa lungsod ng Iloilo at Bacolod sa Visayas Region.

Ayon kay Lieu­tenant Commander Maria Christina Roxas, acting director ng Naval Public Affairs Office ang BRP Davao del Sur (LD602) na pinamumunuan ni Navy Captain Homer Gonzales ay umalis na sa Pier 15 nitong Sabado ng umaga upang ihatid sa mga medcial frontliners ang nasabing mga PPEs.

Sinabi ni Roxas na nasa 3,000 kahon ng PPEs na naglalaman ng 58,000 sets ang kabuuang kargamento ng naturang barko ng Phi­lippine Navy matapos naman ang pakikipagkoordinasyon sa mga Local Government Units (LGUs) ng lungsod ng Bacolod at Iloilo at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

PPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with