^

Probinsiya

Mayor ng Dasmariñas City tinamaan ng virus

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mayor ng Dasmariñas City tinamaan ng virus
Sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Mayor Barzaga ang malungkot na balita na nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalukuyan nang naka-isolate.
Edd Gumban

CAVITE , Philippines —  Tinamaan na rin ng coronavirus disease (COVID-19) ang alkalde ng Dasmarinas City na si Jenny Austria Barzaga.

Sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Mayor Barzaga ang malungkot na balita na nagpositibo siya sa COVID-19 at kasalukuyan nang naka-isolate.

Nabatid na Setyembre 28 ng gabi nang itinawag kay Bargaza na positibo siya sa virus matapos siyang isalang sa swab test kasama ang lahat ng empleyado ng City Hall. Ilang empleyado rin ang nagpositbo sa nasabing sakit na kasalukuyang nang naka-quarantine.

Nakaramdan umano ng pananakit ng katawan ang alkalde hanggang sa lagnatin. Nagkaubo rin siya at nawalan ng ganang kumain kaya nagpa-COVID test. Ma­kalipas ang isang araw ay lumabas ang resulta na positibo ang alkalde sa COVID-19.

Nauna rito, nagbaba ng kautusan ang mayora na pansamantalang isara ang City Hall dahil karamihan sa mga empleyado ay nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19 at kinakailangan i-swab test kasama na rin siya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with